El Filibusterismo
Kabanata XXXIX – Katapusang Kabanata
Kabanata XXXIX – Katapusang Kabanata
Premise: What if Simoun simply faked his death to take on a new
identity.
“Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera remitara vivo muerte."
Narinig ni Simoun ang laman ng telegrama. Dumiretso siya sa bahay ni Padre
Florentino nang sugatan at bukas-palad siyang tinanggap ng pari. Inakala ng
Padre na may nagtatangka sa buhay nito dahil sa kawalan ng Kapitan Heneral. Ang
mang-aalahas ay malubha ngunit tumanggi ito na magpagamot sa mediko sa
kabisera. Tanging kay Dr. de Espadaña lamang siya nagpaalaga at dumiretso na
siya sa bahay ng pari. Sa kabilang dako, ang pari ay gulat na gulat sa desisyon
ni Simoun na humaligi sa kanya. Kailan lamang ay nagkainitan ang dalawa dahil
sa pangungutya nito sa kanya. Sinabi ni Simoun na ang pari ay hamak na indiyo
lamang at hindi rin niya ito tinulungan sa pagpapalaya ng kanyang pamangkin na
si Isagani. Ngunit busilak ang puso ng Padre. Walang siyang inisip kung hindi
tulungan ang lalaki; pero, tila ayaw tulungan ni Simoun ang kanyang sarili.
Pumasok si Padre Florentino sa
kwarto ni Simoun. Nakita niya na wala na ang mapaglinlang na ngiti ng suot na
lalaki kanina. Sa halip, isang pagtataghoy na nais iparating sa kanya ang gusto
nitong ipahiwatig. Nakita ng pari ang bote ng lason at napagtanto niya na
ininom ito ni Simoun. Dali-dali siyang humanap ng lunas para sa lalaki ngunit
pinigilan siya nito. Nagsimulang magdasal si Padre Florentino sa kanyang
reclinatorio. Isiniwalat rin ni Simoun ang kanyang tunay na katauhan. Siya si
Crisostomo Ibarra na nawalan ng lahat - pamilya, pangalan, yaman, pag-ibig,
kalayaan, at kinabukasan. Plinano ng mang-aalahas na maghiganti ngunit siya ay nabigo.
Kasabay nito ay ipinaliwanag ni Padre Florentino kung bakit ganito ang
kinahatnan niya. Aniya kahit kailan ay mali ang paghihiganti. Kahit ano pa man
ang layunin ay maaabot rin ito sa mabuting paraan. Pinisil ni Simoun ang kamay
ng pari at sumunod ang mahabang katahimikan.
Nangilid
ang luha ng pari at nagdasal ito. Pagkatapos ay itinapon ng Padre ang mga
alahas at brilyante ni Simoun sa ilog katabi ng bahay.
***
Nakabalot
sa puting kumot ang katawan ni Simoun o Ibarra. Inakala ni Padre Florentino na
patay ang lalaki. Batid sa kanyang kaalaman, isa lamang ito sa panibagong plano
ng mapaglinlang na lalaki upang kumuha ng panibagong katauhan.
Iniwan
siyang mag-isa sa kwarto ng pari at utusan. Narinig niya na sa kinaumagahan na
lamang ililibing ang kanyang katawan. Pagkasara ng pinto, gumulong siya pababa
ng kama at tumalon sa ilog. Napangiti ang lalaki sa kanyang sitwasyon. Parehong
eksena at parehong motibo. Magbabago na naman ng katauhan ang sawing lalaki.
Nagawa na niya ito dati at may kumpiyansa siya na magtatagumpay muli siya.
Pagkatapos makausap si Padre Florentino, desidido siya na ipagpatuloy ang laban
– ngunit sa mas mabuting paraan. Kahit kalian ay hindi niya naisip na sumuko sa
laban nito. Alang-alang sa kanyang ama, sa kanyang nobya, at sa kanyang bayan –
gagawin niya ang lahat.
Lumangoy
siya sa isang bangka na idinaong niya isang lingo na ang nakalipas. Babaybayin
niya ang ilog palayo sa bayan na ito. Madilim na at hindi na siya makikita ng
mga guwardiya sibil. Siya ay walang tigil sa pagsagwan. Walang malinaw na
destinasyon ngunit determinado siyang makalayo. Sinimulan niyang gumawa ng
plano sa mga sumunod ng minuto. Magiging isa siyang simpleng mamamayan ng isang
bayan. Tumutulong sa mga mabuting layunin lamang at tutulungan ang mga kapya
mamamayan na maging makabayan. Unti-unti siyang gagawa ng rebolusyon na babago
sa bayan. Unti-unti niyang sisimulan ang pagbabago na inaasam ng lahat.
Sisiguraduhin ni Crisostomo Ibarra na sa kanyang huling hininga, siya ay
matagumpay – alang-alang sa ama, sa nobya, at sa bayan.
1 comments:
Ang ganda ng alternative ending. 😊⭐ Laban lang Crisostomo. 😂😂
Post a Comment