By King Metrillo
Ang tulang “Awit ng Manlalakbay”
ng bayaning si Gat Jose Rizal
Ay isang gawang magandang tunay
Nagpapakita ng puso’t dangal.
Ang manlalakbay na lumilibot
sa buong daigdig ay matapang.
Ngunit napupuno daw ng takot,
nagpapanggap na magiting lamang.
Ang tula ay aking nagustuhan
sapagka’t ito ay bumubuwag
sa nakasanayang kaibahan
ng kung sinong matapang at duwag.
Magiting man sa mata ng iba
Paslit pa ring alaga ng ina.
0 comments:
Post a Comment