By Bernadette Bagon
Inspired from Sa Aking Mga Kababata – Jose Rizal
Kapag ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanluraning kultura at makamundongnais
Sino pang maghahangad kalayaa’y
makamit
Kung kay dali lang namang pumahimpapawid
Ginamit ang salitang may pagkakakilanlan
Di lang sa isang bayan, kundi saan pa man
Para matawag na taong nakakaalam
Pangarap na makaangat ang dahilan
Ang wikang Tagalog ay di tuladng Latin
Na ginagamit pangngalan ng mga siyentipiko
At ang Ingles na lahat na ay gumagamit
Kaya kang dalhin sa bawat sulok ng mundo
Kayaatingsalita, bakit pa gagamitin
Kung ang ingles naman ay kaya nggawin
Ito ang dahilan bakit ngayon ay naririnig
Conyo sa daan, sa paaralan,
sa paligid
Ganito pong ayon angmakabagong Pilipino
Sadyang sumusunod sa bawat umuuso
Umiibig ng wagas sa kulturang kanluranin
0 comments:
Post a Comment