Wednesday, October 2, 2013


By Alberto Lorenzo F. Yañga

O, Rizal na mapagmahal sa wika
Ikaw nga’y kagalang-galang na utak
Sa walong taon pa lamang
Naka-akda ka na ng isang malaman na tula

Para sa mga Pilipino na walang paki
Iginigising mo ang kanilang mga diwa
Upang makilala nila ang kanilang sarili
Sa larangan ng pagsasalita

Ako’y natutuwa’t nalulungkot ng sabay
Dahil ako’y tinatablan at may sala
Sapagkat ako rin ay isang hirap sa pananalita
Ng wika ng aking mahal na bayan

Ngayon alam ko na ang dahilan
Kung bakit inaaral ang Filipino
Galangin natin ang salita
Dahil ito ay uri ng kalayaan

Ang wikang Filipino ay isang kayamanan
Kaya dapat ito’y ipagmalaki
Ito ang natutunan ko mula sa tula
Na isinulat ng batang Rizal

0 comments:

Post a Comment

 

LiteraRizal Copyright © 2011 -- Template created by O Pregador -- Powered by Blogger