Wednesday, October 2, 2013

Ang Malaking Puso ni Rizal


By Mariz Angela Hizon

Ang tulang ito ay reaskyon sa tula ni Rizal na pinamagatang “To Josephine”. 

Mula sa tulang aking nabasa,
Ating makikita kung gaano kamahal ni Rizal si Josephine.
Ayon sa kanya’y nasaan mang bansa naroroon ang iniirog,
Siya’y naririto lang at patuloy siyang mamahalin.

Isa itong pruweba na si Rizal ay tao lang din,
Nagmamahal, minamahal, at may damdamin din.
Siguro’y napakasakit sa kanya ang mawalay sa iniirog,
At sa mga sandaling iyo’y walang ibang inisip kundi ang makita ito muli.

Salamat Rizal, sa iyong tinuro sa akin.
Na sa pagmamahal, dapat buong-buo ang ibinibigay.
Ang pagmamahal na inaalay,
Sa tao man o sa bayang kinalakihan.


0 comments:

Post a Comment

 

LiteraRizal Copyright © 2011 -- Template created by O Pregador -- Powered by Blogger