Wednesday, October 2, 2013

Reply to "To Josephine"


By John Kevin Cuisia

I
Marami ang nagsasabi na masarap magmahal
Magkaroon ng kasintahang, bigay ng maykapal
Dito’y matatagpuan ang tunay na kaligayahan
Sa piling ngi yong makakatuluyan

II
Pero di lahat ng daan ay matuwid at makinis
May mga lubaklubak, may palihislihis
Makakasagupa ka ng iba’t-ibang problema
Mga sakit namin san mo lang makikita

III
Huwag kang matakot magmahal, kaibigan
Ano b ayung masaktan kang paminsanminsan
Kung balang araw matatagpuan mo naman
Ang magpapakilig ng iyong laman

IV
Masarap magmahal, pero gawin itong tama
Di lahat ng bagay ay iyong alintana
Mabagal humakbang, siguraduhin ang daan
Siguraduhing mong walang  \masasagasaan

V
Kelanma’y di ka makakasigurado,
Kung ang katipan mo ay siyang para sayo,
Mahalin mo padin ng buong puso
Sadaigdig ay wag kang  makikiuso

VI
Ang payo ko sayo o aking kaibigan,
Ilang beses ka mang masaktan sa pakikipagtipan
Wag na wag kang matatakot na magmahal muli
At wag na wag kang magmamadali.



0 comments:

Post a Comment

 

LiteraRizal Copyright © 2011 -- Template created by O Pregador -- Powered by Blogger