Sunday, October 6, 2013

Pinatutula ako


By Anonymous

Kung lilisanin ang baying mahal
Wag kalimutan ang ala-ala
Na siyang sa’yo ay nagbigay aral
Isiping ikaw ay pinagpala

Anomang dahilan ng paglisan
Gawin ang nararapat na gawin
Pagmamahal sa bayan, higitan
Magaaral patuloy na isipin

Maglingkod ng tapat yan ang dapat
Tulad ng magiting na bayani
Runong at galing ay hindi sapat
Dangal ng tao ay mamayani

Wag nang lisanina ng Inang Bayan
Pagmamahal ni Rizal, sabayan!

0 comments:

Post a Comment

 

LiteraRizal Copyright © 2011 -- Template created by O Pregador -- Powered by Blogger