Sunday, October 6, 2013

Rizal


By King Metrillo

Rizal
Makata, Doktor, Bayani
Isang halimbawang natatangi
Para sa kabataan ng bayan.

Tulang isinulat tungkol sa pag-asa
Kabataan ang itinatalaga
Magpakabait at gumalang sa nakatatanda
Tatayong hirang ng ganda.

Talinghagang ibinaon sa kasaysayan
Lulan ng pag-aasang makakamit
Kabataang haharap at pagsisibulan ng galak
Ng bayang nag-aasam ng magandang sapit

Matapang na wika ng bayani
Matupad nawa nang mabuti.

0 comments:

Post a Comment

 

LiteraRizal Copyright © 2011 -- Template created by O Pregador -- Powered by Blogger